Posted March 21, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Hindi na
nakapumiglas pa ang isang lalaking wanted sa kasong pagpatay sa Batangas
matapos itong mahuli sa Cagban Jetty Port Brgy. Manoc-manoc, Boracay, Malay,
Aklan kahapon.
Nahuli ang suspek
na si Alvin Casanova 33-anyos isang driver at nakatira sa Sitio Bantud ng
nasabing Brgy. ng pinagsamang pwersa ng Numancia PNP, Sta. Terisita MPS,
Batangas PPO at ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC).
Nabatid na ang
suspek ay may Criminal Case No. 27-2010 na may bisa ng Presiding judge na si
Juanita Areta 4th Judicial Region Branch 85 Taal, Batangas noong Pebrero 9,
2011.
Samantala, wala
namang inilaang piyansa para sa suspek, na ngayon ay pansamantalang naka-kustuditya
sa Numancia PNP habang nakatakdang i-turn over sa nasabing korte.
No comments:
Post a Comment