Posted January 27, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Kulong na ngayon ang dalawang suspek na nanghold-up sa
isang tindahan ng cellphone sa station 1 Boracay kagabi matapos na mahuli sa
isinagawang manhunt operation ng mga pulis.
Sumbong ng biktimang si Almar Tupas 35-anyos sa Boracay
PNP, bigla na lamang umano silang pinasok ng dalawang lalaki na armado ng baril
at sabay tutok at diklara ng hold-up sa kanya at sa mga kasamang staff.
Dito, kinuha umano ng mga suspek ang pera sa kahera at
binasag ang crystal cell phone stand at pinagkukuha ang mga ibinibintang
cellphone sabay takas papuntang Bolabog area.
Mabilis namang nagsagawa ng manhunt operation ang mga
pulis matapos matanggap ang report kung saan agad namang nahuli ang dalawang suspek
na sina Ruel Zonio 40-anyos residente ng Purok-1 C Lazerna St. Kalibo, Aklan at
Randy Ventura 22-anyos ng Brgy. Guanco, Balete, Aklan.
Nakuha naman sa dalawa ang limang unit ng cellphone isang
charger at isang headset at perang nagkakahalaga ng P16, 000 at mga baril na
kinabibilangan ng isang caliber 380 na may chamber loaded, dalawang magazine na
may tatlong ammunitions at isang 10 inches na kutsilyo.
Ang dalawa ay nakakulong na ngayon sa Boracay PNP habang
inaantay kung magsasampa ng kaukulang kaso ang may-ari ng tindahan na kanilang
nilooban.
No comments:
Post a Comment