YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, January 27, 2016

Private helicopters sa Boracay pinagbawalan ng mag-operate

Posted January 27, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for helicopterWala na ngayong kapangyarihan ang dalawang private helicopters na lumipad sa isla ng Boracay matapos pagbawalang mag-operate.

Ito’y makaraang magkaroon ng resolusyon ang Sangguniang Bayan ng Malay na nirerekomenda sa opisina ng alkalde na ihinto o ipatigil ang operasyon ng Asean Aerospace at Lion Air sa isla ng Boracay.

Sa pangunguna ni SB Member Rowen Aguirre bilang Chairman ng Committee on Laws ay napag-desisyonan nitong i-draft ang naturang resolusyon kung saan bawal ng mag-operate ang dalawang helicopter matapos ang ilang pag-aaral.

Samantala, ang pagpapatigil na mag-operate sa dalawang kumpanya sa isla ay sinang-ayunan naman ng konseho sa ginanap na 4th Regular SB Session kahapon.

Maalalang umani ng ibat-ibang reaksyon mula sa mga residente at stakeholders sa Boracay ang operasyon ng dalawang helicopter sa isla dahil sa nililikha nitong ingay kung saan sinasabing mababa umano ang lipad nito at paikot-ikot sa loob lamang ng Boracay.

Ang private helicopters ay inuupahan ng mga turista patungo sa ibang lugar kagaya ng Palawan at Manila gayon din bilang pang-emergency transport.

No comments:

Post a Comment