YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, January 25, 2016

Ati Village sa Boracay tinangkang sunugin kagabi

Posted January 25, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Muntik na umanong lamunin ng apoy ang buong kabahayan sa Ati Village sa Sitio. Lugutan sa Brgy. Manoc-manoc Boracay alas-10 kagabi.

Ito’y matapos na may isa umanong lalaki ang naghagis ng plastic bottle ng mineral water na nag-lalaman ng gas sa kanilang bodega.

Sa eksklusibong panayam ng YES FM sa mga bata na nakakita sa nasabing insidente, nakatambay umano sila sa may basketball court kung saan bigla nilang nakita na may sumiklab na apoy sa likod ng nasabing bodega na yari sa kawayan.

Dito mabilis umano nila itong pinuntahan at pinatay ang lumalaking apoy sa pamamagitan ng paghagis ng buhangin at pagtapon ng tubig.

Napag-alaman din na isang lalaki umano na mula sa nasabing area ang kanilang nakitang naghagis ng nasabing gas at mabilis na tumakas matapos sumiklab ang apoy.

Ayon naman kay Sister Ma. Flor Almasco, naaalarma umano sila sa nasabing sitwasyon kung saan baka magaya din umano sila sa ibang residente sa Boracay na nawalan ng bahay matapos ang naganap na mga sunog.

Nabatid na ang bodega ay nag-lalaman ng mga construction supplies kung saan sa likod naman nito ay may mga nakatambak na balat ng kawayan na madaling makapitan ng apoy kabilang pa ang paghagupit ng malakas na hangin dala ng Amihan Season sa back beach area.

Samantala, kasalukuyan naman ngayong nagsasagawa ng imbestigasyon ang Boracay PNP para matukoy ang motibo ng tangkang panununog sa nasabing village.

Ang Ati Village ay tirahan ng mga katutubong Ati ng isla ng Boracay kung saan pinatayuan sila ng mga bahay at binigyan ng sariling lupain ng ibat-ibang sektor at organisasyon at ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) kung saan inaalagaan naman sila ng mga Madre.

No comments:

Post a Comment