Posted January 26, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Tinatayang dalawang
libo, isang daan at tatlumput walong turista ang dadalhin ng MS Celebrity
Millennium sa pagdaong nito sa isla ng Boracay bukas.
Ganap na alas-8
bukas ng umaga inaasahan ang pagdaong ng isa sa malalaking cruise ship sa mundo
sa Cagban Port.
Alas-9 naman ng
umaga magaganap ang plaque of exchange sa pangunguna ng Aklan Government, Department
of Tourism, LGU Malay at iba pang government agencies sa loob ng barko sa
pagitan ng kumpanya ng Celebrity Cruises na siyang may hawak ng naturang barko.
Nabatid na ito
ang kauna-unahang pagbisita ng MS Celebrity Millennium at ang kauna-unahang
cruise ship na dadaong sa Boracay ngayong 2016.
Maliban dito
dadaong din sa araw ng Huwebes ang MS Nautica ng Oceania Cruises na may sakay
na 600 turista sa Boracay kung saan isang maiden call din ang inaasahang
mangyayari.
Ang dalawang
barko ay kabilang sa Labin-isang cruise ship na dadaong sa Boracay ngayong
taong 2016.
No comments:
Post a Comment