Posted
October 1, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Tinalakay sa Sangguniang Panlalawigan (SP) Aklan kahapon
ang tungkol sa nangyayaring problema ngayon sa pagitan ng ilang residente laban
sa Caticlan Airport.
Dito napag-usapan ang tungkol sa sulat ng tinatayang
dalawang daang residente ng Brgy. Caticlan sa bayan ng Malay na apektado ng
ipinatupad na 300 meters widening sa Caticlan Airport.
Nabatid na nag-ugat ang problema sa hindi
pagkakaintidihan sa presyo ng lupa kung saan sinasabi ng mga apektadong
residente na bumaba ang halaga ng pagbili ng kanilang lupa taliwas sa naunang
napag-usapan.
Kaugnay nito patuloy namang pinag-aaralan ng Committee on
Laws at Committee on Budget and Finance kasama ang Committee on Waste and Means
ang naturang problema matapos itong isumite sa kanila.
Matatandaang nitong mga nakaraang linggo ay nagkaroon ng
pagtitipon ang mga residente na apektado umano ng widening project para sa
isang rally kontra sa pamunuan ng nasabing paliparan.
Ang ongoing project ng Caticlan Airport ay para sa
paghahandang gawin itong International Airport na magbubukas sa taong 2018.
No comments:
Post a Comment