Posted September 30, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Plano ngayon ng Provincial Health Office (PHO) Aklan na
magtayo ng karagdagang bite centers sa apat na bayan sa probinsya ng Aklan.
Ito’y matapos mapag-alaman sa ginawang survey ng PHO na
apat na bayan sa lalawigan ang may pinakaraming bite cases na kinabibilangan ng
bayan ng Banga, Numancia, New Washington at Malay.
Ayon sa PHO Aklan, ito ay nakatakdang ipatayo sa susunod
na taon kung saan inaasahang sasailalim pa ito sa ilang deliberasyon bago
simulan ang proyekto.
Nabatid na ilan lamang ito sa mga proyektong inihahanda
ng Provincial Health Office ng Aklan para sa taong 2016.
Samantala, karamihan naman sa mga bite cases ay ang kagat
ng aso at mga insikto na nagdudulot ng piligro sa mga tao katulad ng dengue.
No comments:
Post a Comment