Pages

Thursday, October 01, 2015

Reklamo ng mga residente laban sa Caticlan Airport binusisi sa SP Aklan

Posted October 1, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for caticlan AirportTinalakay sa Sangguniang Panlalawigan (SP) Aklan kahapon ang tungkol sa nangyayaring problema ngayon sa pagitan ng ilang residente laban sa Caticlan Airport.

Dito napag-usapan ang tungkol sa sulat ng tinatayang dalawang daang residente ng Brgy. Caticlan sa bayan ng Malay na apektado ng ipinatupad na 300 meters widening sa Caticlan Airport.

Nabatid na nag-ugat ang problema sa hindi pagkakaintidihan sa presyo ng lupa kung saan sinasabi ng mga apektadong residente na bumaba ang halaga ng pagbili ng kanilang lupa taliwas sa naunang napag-usapan.

Kaugnay nito patuloy namang pinag-aaralan ng Committee on Laws at Committee on Budget and Finance kasama ang Committee on Waste and Means ang naturang problema matapos itong isumite sa kanila.

Matatandaang nitong mga nakaraang linggo ay nagkaroon ng pagtitipon ang mga residente na apektado umano ng widening project para sa isang rally kontra sa pamunuan ng nasabing paliparan.

Ang ongoing project ng Caticlan Airport ay para sa paghahandang gawin itong International Airport na magbubukas sa taong 2018.

No comments:

Post a Comment