Posted October 1, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Marami na ngayong kabataan sa probinsya ng Aklan ang tila
nawawala sa kanilang landas dahil sa umano’y kapabayaan ng kanilang mga
magulang.
Dahil dito ang Sangguniang Panlalawigan ng Aklan katuwang
ang Philippine National Police, Provincial Social Welfare Development Office at MSWDO ay planong magtayo ng "Bahay-Pag-
asa para sa mga nalilihis ng landas.
Nabatid na nitong nakaraang linggo ay nagsagawa ng
committee hearing ang Sangguniang Panlalawigan (SP) Aklan para pag-usapan ang
mga pulisiya para sa mga kabataang sumusuway sa batas.
Napag-alaman na tumataas ngayon ang kaso ng nakawan sa
lalawigan lalo na sa bayan ng Kalibo kung saan imbolbado rito ang mga menor
de-edad na kabataan.
Samantala, ang programang ito ay nakatakda pag-usapan
muli ngayon araw sa SP Session ng Aklan sa bayan ng Kalibo.
No comments:
Post a Comment