Posted September 28, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ngayong Oktobre 23, 2015 pormal ng magbubukas ang
mahabang selebrasyon ng Ati-Atihan Santo Niño Festival 2016 sa Enero.
Ayon kay Kalibo Sto. Nino Ati-Atihan Foundation, Inc.
(Kasafi) chairman Albert Menez, dadagundong na umano ang malalakas na tunog ng
mga drums na sasabayan ng pagsayaw ng mga deboto.
Sinabi ni Menez na matapos ang pormal na pagpaphayag ng
Opening Salvo ay dito na umano magsisimula ang tinatawag na ‘sadsad’ o street
dancing sa ibat-ibang pangunahing kalsada sa bayan ng Kalibo lalo na sa paligid
ng Pastrana Park.
Matapos nito isang kasiyahan naman ang magaganap sa
Magsaysay Park sa Oktobre 24 tampok ang ilang DJ at artista sa bansa.
Ang Ati-Atihan celebration ay magaganap sa Enero 8-17
2016 sa bayan ng Kalibo kung saan inaasahan ang libo-libong deboto at mga
turista sa tinaguriang “Mother of all Philippine Festivals,”
No comments:
Post a Comment