Posted September 1, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Target ngayon ng Philippine Red Cross Boracay-Malay
Chapter na madagdagan ang kanilang dalawamput dalawang lifeguard sa Boracay.
Ayon kay PRC Boracay-Malay Chapter Administrator Marlo
Schoenenberger, ito ay para ma-cover pa
ang ibang area sa Boracay kung saan madami ang naliligo katulad ng Puka Beach.
Sa ngayon umano ay salit-salitan ang dalawamput dalawang
lifeguard na naka-duty sa station 1 hanggang station 3.
Dahil dito sinabi ni Schoenenberger na nais nilang
magkaroon ng 36 na lifeguard sa Boracay para matutukan ang mga naliligo sa
dagat.
Samantala, maliban sa pagsagip ng buhay ng mga nalulunod
sa Boracay nagsasagawa rin ang lifeguard ng tuloy-tuloy na training sa beach
area kabilang na ang pamumulot ng mga bubog sa sa dalampasigan habang
nagbabantay sa mga turistang naliligo sa dagat.
No comments:
Post a Comment