Posted September 2, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ito’y matapos na aprobahan sa second at final reading ng
Sangguniang Bayan ng Malay ang resolusyon na nag-aaproba sa application para sa
accreditation bilang E-trike supplier sa Boracay ng B-MAC Electric
Transportation Philippine Inc.
Nabatid na sumailalim pa ito sa committee hearing at
ilang deliberasyon sa pangunguna ni SB member at Chairman ng Committee on Transportation
Leal Gelito bago ang nasabing disisyon.
Napag-alaman na ang 68VM Electric vehicle ay sumailalim
na sa maraming beses na testing para masiguro ang tinatawag na high reliability
kung saan nakumpleto rin nito ang mga local requirements at ang nasabing unit
ay LTO-compliant na kinilala rin financing institution bilang kwalipikado for
lien.
Samantala, ang BMAC ang siyang magiging ikatlong supplier
ng e-trike sa Boracay kabilang ang Tojo at Gerwise motors na nauna ng
nag-operate sa isla na siyang magiging kapalit ng mga tricycle unit na
bumibiyahe ngayon sa isla.
No comments:
Post a Comment