Posted September 3, 2015
Ni Jay-ar M.
Arante, YES FM Boracay
Natanggap na ng
Office of the Mayor ng Malay ang Petition letter ng Boracay community, mga
resort at ibang business establishment sa isla laban sa “Helicopter Tours sa
Boracay”.
Ito ay naglalaman
ng reklamo sa nasabing private helipad kung saan lumilipad din umano ito ng
mababa sa loob mismo ng isla at naglilikha ng matinding ingay.
Sa nakaraang SB
Session ng Malay pinag-usapan naman ito ng konseho kung saan sa napag-alaman na
bago magsimula ang operasyon ng helipad sa Boracay ay nagsagawa muna ito ng
presentasyon sa nasabing session na nagsasabi na sila ay mag-ooperate lamang
bilang isang air ambulance.
Ayon naman kay SB
Member Rowen Aguirre iba ito kumpara sa iprinisinta nila sa SB at dapat din
aniyang sa labas sila ng isla mag-operate o kaya ay lumipat nalang umano sila
sa airport kung nag-ooperate sila bilang isang commercial.
Samantala, karamihan
sa reklamo ng mga residente at resort sa Boracay sa Helicopter Tours ay dahil
sa nililikha nitong ingay araw-araw lalo na tuwing umaga.
No comments:
Post a Comment