YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, September 01, 2015

KASAFI, umapila na huwag gamitin ang Ati-Atihan Festival para sa eleksyon

Posted September 1, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for Kalibo Ati-AtihanUmapila ngayon si Albert Meñez Chairman ng Kalibo Sto. Niño Ati-Atihan Foundation, Inc. (Kasafi) na huwag gamitin ang nasabing kapistahan para mangampanya sa May election.

Hiling ni Meñez sa mga kandito na huwag umanong mangampanya sa kasagsagan ng kapistahan kung saan dagsa ang napakaraming de-boto.

Maliban dito iniiwasan din umano nila ang ang mga streamers at tarpaulins na may mga pangalan at larawan ng mga kandidato sa festival site.

Nabatid na puspusan na ngayon ang panliligaw ng mga tatakbong kandidato para sa halalan 2016 kahit sa Oktobre pa ang simula ng filing ng COC.

Samantala, ang Ati-Atihan Festival, ay isang religious event in honor kay Señor Santo Niño de Kalibo kung saan magsisimula ang weeklong highlight mula Jan. 8 hanggang 17 sa Enero 2016.

No comments:

Post a Comment