Posted September 5, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Abo na ng madatnan ng mag-ina ang kanilang bahay sa
Sitio. Bung-aw Manoc-manoc Boracay matapos itong masunog kagabi.
Ayon sa Bureau of Fire Protection Unit ng BFP Boracay
alas-8:58 kagabi ng makatanggap sila ng tawag mula sa mga residente ng nasabing
lugar na may isang bahay na nasusunog.
Sa imbestigasyon ng BFP ang bahay umano ay pagmamay-ari
ni Leonida Gestiyaga isang massage therapist sa Boracay.
Napag-alaman na wala sa bahay ang mag-ina ng maganap ang
nasabing sunog kung saan mabilis itong natupok ng apoy dahil sa yari lamang ito
sa light materials.
Nabatid na dakong alas-9: 12 naman kagabi ng ideklarang
fire out ng mga bombero ang naganap na sunog kung saan masuwerte naman at hindi
nadamay ang mga katabi nitong bahay.
Sa ngayon patuloy parin ang ginagawang imbestigasyon ng
Bureau of Fire kung ano ang sanhi ng nasabing sunog at kung magkanoo ang iniwan
nitong danyos.
No comments:
Post a Comment