Posted August 26, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES Boracay
Patuloy umanong lumulobo ang teenage pregnancy sa bayan
ng Malay kung saan nangunguna din ito sa may pinakamataas na bilang sa buong
lalawigan ng Aklan.
Sa panayam ng YES FM Boracay kay Municipal Population and
Gender Officer Liberty Ong-Talimisan sinabi nito na mahigit dalawang daan umano
ang kanilang naitalang teenage pregnancy sa Malay simula pa nitong nakaraang
taon.
Aniya base sa kanilang nai-record 14-anyos ang
pinakabatang ina ngayon sa Malay kung saan patuloy pa umano itong nadaragdagan.
Dagdag pa nito wala umanong dapat sisihin sa maagang
pagiging ina ng mga kabataan kundi ang kanilang mga magulang dahil sa kawalan
ng sapat na edukasyon.
No comments:
Post a Comment