Posted August
27, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Pumapangalawa ngayon ang bayan ng Malay sa pinakaraming
botante sa Aklan na wala pang biometrics sa Commission on Elections (Comelec).
Ito ay base sa record ng Aklan COMELEC Office nitong
buwan ng Hulyo kung nasa anim na porsyento pa ngayon ang hindi
nakapag-biometrics sa nasabing bayan habang ang Kalibo naman ang siyang
nagunguna.
Ayon kay Malay COMELEC Officer II, Elma Cahilig, patuloy
parin ang kanilang panawagan sa mga botante sa sumailalim na sa biometrics
registration kung saan nakatakda na naman umano silang bumalik sa Boracay para
sa satellite registration ngayong Setyembre.
Nabatid na ang Malay ay pangalawa sa pinakamaraming
botante sa Aklan kung saan may total registered voters ito na 28, 214 habang
ang wala pang biometrics ay 1, 744 kung saan ang Kalibo ang siyang nanguna na
may 44, 122 at ang walang biometrics ay 4, 246.
Sinabi naman ni Cahilig na mahigpit nilang ipinapatupad
ang “No Bio-No Boto” sa darating na 2016 elections.
Samantala, ang biometrics registration ay magtatapos
ngayong buwan ng Oktobre kung saan magsisimula naman ang Filing of Candidacy
(COC) ng mga tatakbong kandidato.
No comments:
Post a Comment