Posted August 26, 2015
Ni Alan Palma Sr., YES FM Boracay
Isang bagong day care center ang ipapatayo ng Boracay
Korean Community Association sa Sitio Diniwid sa isla ng Boracay.
Sa ginawang groundbreaking ceremony para sa bagong
silid-aralan, nais patunayan ng mga koreano na handa silang tumulong sa
kumunidad lalo na sa mga batang kapus-palad.
Dinaluhan ang nasabing seremonya ng mga koreano mula sa
iba’t-ibang organisasyon tulad Korea Sports Council of the Philippines at
United Korean Community Association of the Philippines o UKCA kasama ang
Balabag Baranggay Council at ni Malay Mayor John Yap.
Ayon kay Yap, masaya ito dahil ang proyektong ito ay
malaking tulong para sa mga magulang at mga paslit na mag-aaral sa Boracay.
Ang lumang gusali ng Diniwid Dat Care Center ay papalitan
ng mas malaki at komportableng silid-aralan na may kasama ng mga gamit-eskwela katulad
ng silya at marami pang iba.
Sa kasalukuyan, may isang guro at apatnapu’t limang
estudyante ang nakikinabang sa nasabing paaralan na karamihan ay galing sa
mahihirap na pamilya mula sa ibang panig
ng Boracay.
No comments:
Post a Comment