Posted August 28, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nag-paabot ng kanyang pasasalamat si Philippine Coast
Guard Station Commandant Lt. Senior Grade Jimmy Oliver Vingno ng Caticlan
Sub-Station Office sa mga lifeguard sa Boracay.
Ito ay dahil sa kanilang pagrespondi sa sunod-sunod na
near drowning incidents sa isla katuwang ang ibang rescue groups, kung saan
mahigit 30 ang nailigtas na buhay ngayong buwan ng Agosto.
Kaugnay nito, base naman sa record ng Coastguard dalawa
ang kanilang nirespondehang insidente ng pagakalunod sa Boracay ng kapareho
ring buwan kung saan isa dito ay nailigtas at ang isa naman ay namatay.
Ayon naman kay Vingno naka-antabay ang kanilang hanay sa
cargo area at sa white beach area kung saan marami ang naliligo.
Samantala, nabatid na sunod-sunod na araw ang naitalang near
drowning incidents sa Boracay ngayong buwan ng Agosto, kung saan mabilis naman
ang mga itong nailigtas ng mga lifeguard volunteer ng PRC Boracay-Malay Chapter
katuwang ang ilan pang rescue groups na naka-antabay sa beach area.
No comments:
Post a Comment