Posted August 28, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Photo credit Booking.com |
Halos isang buwan ng tinitiis ng mga tao sa lugar at ng
mga motorista ang masangsang na amoy na nagmumula umano sa great wall
restaurant sa Boracay.
Dahil dito napag-usapan sa Sangguniang Bayan ng Malay ang
nasabing problema kung saan marami na rin ang natanggap na reklamo ng LGU Malay
tungkol dito.
Sa SB Session nitong Martes maaari umanong maipasara ang
nasabing restaurant kung hindi maaayos ang nasabing problema.
Ayon naman sa Sanitation Office ng Malay nagpadala na rin
sila ng sulat sa LGU para sa agarang aksyon nito dahil sa apektado na rito ang
mga tao sa paligid.
Matatandaang nagsagawa din ng aksyon ang Environmental
Office tungkol rito kung saan pati ang lagayan ng basura sa pick-up area ay
kanilang binudburan ng organic minerals sa pag-aakalang dito nagmumula ang
masangsang na amoy.
No comments:
Post a Comment