Posted July 14, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
www.google.com |
Umaabot na ngayon sa 852,168 ang naitalang tourist
arrival sa isla ng Boracay sa loob ng first half ng taong 2015.
Ito ay base sa record ng Municipal Tourism Office (Mtour)
Malay kung saan naitala ang 357, 303 foreign tourists, 25,638 overseas Filipino
at 469,227 na domestic tourists.
Nabatid na sa buwan ng Abril nakapagtala ng 178, 656
tourists arrival na siyang may pinaka mataas na bilang na tourists registered para
sa first semester.
Sinundan naman ito ng buwan ng Mayo na 168, 025, January
na 133, 598, February -130, 293 at March 124, 804 habang ang pinakababa ay ang
buwan ng Hunyo na 116, 792 tourists.
Samantala, inaasahan ng Provincial Tourism Office at ng
Malay Tourism Office na maaabot ang target na tourist arrival na 1.5 Milyon
ngayong taong 2015.
No comments:
Post a Comment