Posted July 17, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Sinilbihan ng notice of imposition at administrative
fines ang Boracay Isle Hotel ng Boracay Island Special Fire Protection Unit (BISFPU).
Ito ay dahil sa umabot na sa P50,000 ang kanilang
administrative fines na order ng Regional Director ng Bureau of Fire (BFP)
Western Visayas dahil sa paglabag nito sa fire code of the Philippines.
Ayon kay Boracay Island Special Fire Protection Unit
BISFPU Fire Inspector Stepen Jardeleza, nasa level na umano kasi ang babayaran
ng Isle Hotel.
Dahil dito bilang parte umano ng kanilang proseso ng rule
13 sa fire code ay naglagay sila ng warning sign na nagsasabing ang naturang building
ay isa nang fire hazard dahil simula pa umano noong nakaraang taon na nagsagawa
sila ng inspeksyon sa mga structure at mga building sa Boracay ay isa ang Isle
Hotel sa hindi sumunod.
Samantala, sinabi pa ni Jardeleza na ito ay simula palang
ng kanilang strict implementation na ginawa kahapon at meron pa umanong mga
susunod na mga establisyemento na papatawan nila ng penalidad kung hindi sila
susunod sa deriktiba galing sa National Headquarters ng pamunuan ng BFP at
Regional Headquarters.
Nabatid na ang kampanya ng BFP sa strict implementation
ng fire code ay dahil sa nangyaring sunog sa Valenzuela Fire at sa Talipapa
Bukid Boracay nitong Hunyo.
No comments:
Post a Comment