Posted July 18, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Temporaryo ngayong ipapasara ang Ciriaco S. Tirol
Memorial Hospital o Boracay Hospital upang bigyang daan ang on-going renovation
at upgrading work ng hospital.
Ito ay base sa ipinadalang memorandum letter ni Governor
Joeben Miraflores sa pamunuan ng Boracay Hospital partikular kay Dr. Michelle
G. Depakakibo Medical Officer 1V.
Dito nakasaad ang temporaryong pagpapasara sa lalong
madaling panahon para masimulan na ang construction ng phase 2 sa area kung
saan kasalukuyan pa ngayong ginagamit para sa mga pasyente at inuukupahan ng
mga hospital staff.
Nabatid na ang phase 2 sa phase 3 project construction ng
Boracay hospital ay hahawakan ng Department of Public Works and High-Ways
(DPWH) na may nakalaang budget na P23, 441, 150.00 na inilabas sa ilalim ng CY
2014 ng Health Facilities Enhancement Program (HFEP) ng Department of Health na
iimplementa naman ng DPWH Aklan DEO.
Samantala, base naman sa ipinadalang sulat ng DPWH na ang
nasabing proyekto ay nakatakdang sumailalim sa bidding sa darating na Hulyo 23,
2015 kung saan ang simula ng construction ay ngayong buwan ng Agusto.
Ngunit bago ito kinakailangan na munang lisanin ng
hospital staff ang naturang pagamutan o lumipat sa ibang mga hospital sa
probinsya.
Kaugnay nito nakatiwang-wang parin ngayon ang Phase 1
project ng Boracay hospital matapos itong maipahinto dahil sa problema sa
contractor.
No comments:
Post a Comment