Posted July 15, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Bumaba ng 59.95% ang kaso ng dengue sa probinsya ng Aklan
sa loob ng anim na buwan ng 2015 kumpara sa parehong period noong nakaraang
taon na umabot ng 437.
Ito ay base sa datos ng Aklan Provincial Epidemiology
Surveillance and Response Unit (APESRU) kung saan nakapagtalaga lamang sila ng
175 na kaso ng mga nabiktima ng dengue simula noong Enero hanggang nitong
Hulyo.
Sa nasabing kaso pinakamarami rito ay mula sa bayan ng
Kalibo na nakapagtala ng 51, sinundan naman ng bayan ng Numancia na 19, Malay
na 17, New Washington na 16, Banga na 13 at Nabas na may kasong 10.
Maliban rito nagkaroon din ng ibang kaso ng dengue sa
ibang bayan sa Aklan kung saan sa bayan ng Madalag ay nakapagtala sila ng 9,
Tangalan na 7, Malinao at Ibajay na parehong 6, Lezo, Altavas at Makato na may
4 at Buruanga, Balete, Libacao na may tig-2 kaso at bayan ng Batan na isa.
Samantala, karamihan naman sa mga nabiktima ng dengue
ngayong taon ay mga lalaki na umabot ng 55% habang ang sa babae lamang ay 45%.
Ang APESRU unit ay regular na nag-momonitor ng nasabing disease
sa probinsya sa ilalim ng Provincial Health Office (PHO) Aklan.
No comments:
Post a Comment