Posted July 13, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nakatakdang magsagawa ng Mobile Licensing ang National
Telecommunications Commission (NTC) sa Boracay ngayong darating na Hulyo 27-31
at sa Agosto 19-21 ngayong taon.
Ito ay kinakailangan para sa lahat ng mga nasa business ng
purchasing, selling, leasing, retailing o mga nag-aayos ng sirang cellphone na
kung saan ay kinakailangan nilang kumuha ng permit at registration certificate
mula sa National Telecommunications Commission.
Kasama rin dito ang radio transceivers kung saan ang NTC
ay inaatasan ang radio transceiver users na kumuha ng permit sa kanila para sa
kanilang legal operation.
Nabatid na kung bigo ang mga itong makakuha ng permit ay
maaaring maipasara ang kanilang establisyemento o mabigyan ng penalidad kasama
na ang pag-kumpiska ng kanilang cellphone units at radio transceiver sets.
Dahil dito ang NTC Personnel ay tutungo sa Boracay sa
nasabing petsa para e-assist ang mga aplikante na kumuha ng kinakailangang
lisensya sa kanilang negosyo.
Samantala, maliban sa mga ito hinihikayat rin ng NTC ang
business at commercial establishment kagaya ng Hotel/Resorts, Mall at
Restaurant owners ng two-way radio transceivers na bisitahin lamang sila sa
Marzon’s Resort Station 3 para kumuha ng kinakailangang permit at lisensya
upang maiwasan ang pag-kumpiska at pagpataw sa kanila ng penalidad.
No comments:
Post a Comment