YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, January 13, 2014

Commercialized na pagdiriwang ng 2014 Boracay Ati-atihan naging matagumpay

Ni Mackie Pajarillo, YES FM Boracay

Naging matagumpay ang pagdiriwang ng commercialized na 2014 Boracay Ati-atihan kahapon dito sa isla.

Ayon kay Malay Tourism Officer Felix Delos Santos, answered prayer para sa kanila ang katatapos lang na selebrasyon ng pista ni Sr. Sto Niño kahapon.

Dahil daw kasi ito sa mainit na suporta ng mga stakeholders, mga barangay sa isla ng Boracay at ng publiko mismo kaya naging matagumpay 101% ang nasabing selebrasyon.

Samantala tahimik at payapa naman ang nangyaring sadsad sa front beach at mas organisado na ito kumpara sa mga nakaraang selebrasyon.

Kitang-kita sa mga mukha ng mga turista mapa lokal man o banyaga ang galak at pagkamangha sa mga costumes ng bawat tribu na pumaparada.

Dagdag pa ni Delos Santos, ngayong commercialized na ang nasabing selebrasyon ng ati-atihan dito sa isla ng Boracay.

Maliban sa pagdayo ng mga deboto, layunin din umano ito upang makagawa tayo ng sarili nating bersyon ng Ati-Atihan upang mas lalo pang makahatak ng mga turista.

Nagpapasalamat din ang mga taga Boracay Holy Rosary Parish sa pangunguna ni Fr. Arnold Crisostomo sa mga sumuporta at mga deboto kay Sr. Sto. Niño

Ganon din ang mga taga Brgy. Council ng Balabag sa pamumuno ni Hon. Lilibeth Sacapaño at ng mga taga Municipal Tourism Office na pinangunahan ni Mr. Felix Delos Santos at lalong-lalo na sa mga taga LGU Malay sa pamumuno ni Hon. Mayor John Yap.

No comments:

Post a Comment