Ni Mackie Pajarillo, YES FM Boracay
Naging matagumpay ang pagdiriwang ng commercialized na 2014
Boracay Ati-atihan kahapon dito sa isla.
Ayon kay Malay Tourism Officer Felix Delos Santos,
answered prayer para sa kanila ang katatapos lang na selebrasyon ng pista ni
Sr. Sto Niño kahapon.
Dahil daw kasi ito sa mainit na suporta ng mga
stakeholders, mga barangay sa isla ng Boracay at ng publiko mismo kaya naging
matagumpay 101% ang nasabing selebrasyon.
Samantala tahimik at payapa naman ang nangyaring sadsad
sa front beach at mas organisado na ito kumpara sa mga nakaraang selebrasyon.
Kitang-kita sa mga mukha ng mga turista mapa lokal man o
banyaga ang galak at pagkamangha sa mga costumes ng bawat tribu na pumaparada.
Dagdag pa ni Delos Santos, ngayong commercialized na ang
nasabing selebrasyon ng ati-atihan dito sa isla ng Boracay.
Maliban sa pagdayo ng mga deboto, layunin din umano ito
upang makagawa tayo ng sarili nating bersyon ng Ati-Atihan upang mas lalo pang
makahatak ng mga turista.
Nagpapasalamat din ang mga taga Boracay Holy Rosary
Parish sa pangunguna ni Fr. Arnold Crisostomo sa mga sumuporta at mga deboto
kay Sr. Sto. Niño
Ganon din ang mga taga Brgy. Council ng Balabag sa
pamumuno ni Hon. Lilibeth Sacapaño at ng mga taga Municipal Tourism Office na
pinangunahan ni Mr. Felix Delos Santos at lalong-lalo na sa mga taga LGU Malay
sa pamumuno ni Hon. Mayor John Yap.
No comments:
Post a Comment