Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Abala na ngayon ang mga pangunahing lugar at mga
kalsadahin sa bayan ng Kalibo para sa selebrasyon ng Ati-Atihan Festival sa Linggo.
Katunayan, sa kabila ng malakas na buhos ng ulan sa
ginanap na Aklan Festival Parade kahapon ay dagsa parin ang mga tao at bisita
para panoorin ito.
Samantala, nabatid naman na ilan pa sa mga sikat at
bigating artista ng isang malaking network sa bansa ay magbibigay kasiyahan
mamayang gabi sa Kalibo Pastrana Park.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang mahigpit na seguridad
sa nasabing bayan para mapanatiling matiwasay ang selebrasyon ng Kalibo Sto.
Niño Ati-Atihan.
Nagsimula ang Kalibo Sto. Niño Ati-Atihan Festival
noong January 10 at magtatapos sa January 19, 2014.
No comments:
Post a Comment