YES THE BEST 911 BORACAY

Saturday, January 18, 2014

DOT Boracay, pinaghahandaan ang pagdating ng mahigit 200 Filipino - Canadian

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Pinaghahandaan ng Department of Tourism o DOT Boracay ang pagdating ng mahigit sa 200 Filipino-Canadian ngayong araw sa isla ng Boracay.

Ayon kay DOT Boracay Officer In-Charge Tim Ticar.

Dadayo ang mga nasabing turista sa Western Visayas partikular na sa apat na probinsya na kinabibilangan ng Iloilo, Guimaras, Capiz at Aklan.

Pangungunahan naman ni Malay Mayor John Yap ang pag-welcome sa mga turista sa pamamagitan ng maikling programa na gaganapin sa isang resort sa Boracay.

Mamayang tangghali ay inaasahan ang pagdating ng mga ito mula sa Manila airport patungong Kalibo International Airport, pero bago umano ito dumiritsong Boracay ay makikisaya muna sila sa selebrasyon ng Ati-Atihan Festival sa Kalibo.

Dagdag pa ni Ticar, bago pumuntang Roxas City ang mga Filipino-Canadian sa Lunes ay iikutin muna nila ang ilang magagandang pasyalan sa Boracay at susubukan ang mag island-hopping.

Nabatid na ilan sa mga turistang ito ay mga bigating tao mula Canada at ilan pang Ambassador para sa kanilang isinasagawang tour.

No comments:

Post a Comment