Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Ito ang kinumpirma ni Philippine Coast Guard (PCG)
Caticlan Acting Station Commander Pedro Taganos, kaugnay sa nararanasang Low
Pressure Area (LPA) sa Visayas at Mindanao.
Aniya kamakailan ay may isang barko na
nagpasuspinde ng byahe dahil sa hindi umano nito kaya ang lakas ng hangin at
alon pero sa ngayon ay tuloy naman umano ang byahe ng mga barko.
Dagdag pa nya ang pagsuspende umano ng mga byahe ay
nakapende rin sa sitwasyon ng alon na kung sa tingin naman ng Coast Guard ay
maaaring makapaglayag.
Nabatid na ilang mga port sa Visayas at Mindanao ay
nagkansela ng byahe dahil sa LPA sa bansa.
Samantala, ang nasabing sama ng panahon ay huli
namang namataan sa layong 310 km sa East ng Guiuan, Eastern Samar.
No comments:
Post a Comment