Pages

Friday, January 17, 2014

Byahe ng roro vessel sa Caticlan, tuloy parin sa kabila ng nararanasang LPA

Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Tuloy parin umano ang byahe ng mga roro vessel sa Caticlan Jetty Port.

Ito ang kinumpirma ni Philippine Coast Guard (PCG) Caticlan Acting Station Commander Pedro Taganos, kaugnay sa nararanasang Low Pressure Area (LPA) sa Visayas at Mindanao.

Aniya kamakailan ay may isang barko na nagpasuspinde ng byahe dahil sa hindi umano nito kaya ang lakas ng hangin at alon pero sa ngayon ay tuloy naman umano ang byahe ng mga barko.

Dagdag pa nya ang pagsuspende umano ng mga byahe ay nakapende rin sa sitwasyon ng alon na kung sa tingin naman ng Coast Guard ay maaaring makapaglayag.

Nabatid na ilang mga port sa Visayas at Mindanao ay nagkansela ng byahe dahil sa LPA sa bansa.

Samantala, ang nasabing sama ng panahon ay huli namang namataan sa layong 310 km sa East ng Guiuan, Eastern Samar.

No comments:

Post a Comment