Nangako naman ngayon sa konseho si Sangguniang Bayan Member
Esel Flores, Committee Chairman ng Education, na gagawa ito ng isang resolusyon
sa susunod na sesyon.
Ito ay upang umapela ng tulong sa national government kaugnay
sa problemang nararanasan sa Boracay National High School ng mga guro at
estudyante.
Maliban dito, dahil sa ang problema sa paaaralang ito ay ang
baha, kakausapin din umano nito ang Municipal Engineer upang mahanapan ng
paraan na magkaroon ng lagusan ang tubig mula dito.
Naniniwala din ito na maaaring makatulong sana ang
pagtatambak sa paligid ng paaralan upang mai-angat ang level nito sa kalsa para
hindi maabot ng tubig.
Pero nangangamaba din umano sila na baka pasukin din ng
tubig ulan ang mga silid aralan kung tatambakan nila ang paligid.
Dagdag pa ng konsehal, sa sa katunayan ay nakabili na rin ng
motor pump ang LGU, pero ang problema ay wala rin lagusan.
Kaya naisip nito na magpasa muli ng resolusyon para umapela
sa nasyunal kaugnay sa problema sa paaralang ito na pinamumugaran ng mga isda
dahil sa, kahit mainit na ang panahon ay hindi pa rin humuhupa ang tubig dito.
Samantala, tinuturo naman sa kawalan ng drainage system ang
dahilan ng problemang ito.
No comments:
Post a Comment