Ni Edzel Mainit, Field Reporter, YES FM Boracay
Pinapaniwalaang sa mga barkong dumadaan sa baybayin ng
Boracay ang siyang pinagmulan ng mga langis na nakikita sa front beach ng isla
sa ngayon.
Bagamat hindi pa umano ito pormal na nakikita ni Boracay Foundation
Incorporated (BFI) Board of Director Nenette Graf, may mga inpormasyon na rin
umano silang natatanggap kaugnay dito.
Katunayan ay napapag-usapan na rin nila ang bagay na ito kasama ang ilan sa mga miyembro ng grupo nila na kapwa din mga opisyal ng BFI kung ano ang ang nakakabuti para dito.
Pero sinabi nitong hindi naman ito ang kauna-unahang pagkakataon
na nagkaroon ng langis ang tubig sa isla.
Dahil summer noon dalawang taon na ang nakakalipas ay nakita rin ang presensiya ng mga langis sa tubig ng Boracay, pero ilang araw lang itong nagtagal at nawala rin.
Sa panayam naman kay BFI President Dionesio “Jony” Salme,
sinabi nitong mismo si BFI Board of Director Miguel Labatiao ang nakakita at may
hawak ng records hinggil dito.
Kung mapapansin ang nasabing usapin na ito, lalo na ang
napunang nabuong maitin na langis sa
tubig at ang iba naman ay nahalo sa buhangin ay unang inilatag ng ilang
stakeholder at Boracaynon sa Facebook.
Sana malaman na kung saan nagsimula ang mga langis para mapaprotectahan ang mga lamang dagat.
ReplyDelete