Kahit pai-isa isa ay mariin umanong ipinagbabawal sa isla ng
Boracay ang pag-aalaga ng baboy.
Ito ang nilinaw ni Sangguniang Bayan Member Dante Pagsugiron,
Committee Chairman ng Environment at Agriculture.
Aniya, sa Boracay ay ipinagbabawal dahil sa ang dumi ng
baboy ay maaaring maka-kontamina sa tubig, maliban pa sa maaring makapagdala ito
ng polusyon sa hangin at kapaligiran na magreresulta sa hindi kagandahang
relasyon ng may-ari at sa mga kapit-bahay nito.
Dagdag pa ng kosehal, bagamat bawal ito pero hindi rin umano
ito maiiwasan lalo pa at ang mga nag-aalaga ay mga naghihikahos din sa buhay na
mamamayan na umaasa na magagamit nila ito sa oras ng emergency lalo na
pagdating sa pinasiyal.
Samantala, ang pag-alaga naman ng kambing at manok sa isla
ay may regulasyon din umano dahil sa ingay na dala nito depende sa dami.
Pero wala naman umanong partikular na ordinansa na
nagbabawal sa pag-aalaga ng kambing at manok, di katulad sa baboy na bawal
talaga.
No comments:
Post a Comment