Isang taon na pa lang iniinda ng mga estudyante at guro sa
Boracay National High School ang baha na nararanasan kapag ka bumuhos ang ulan.
Ito ang napag-alaman mula sa mga guro sa nasabing paaralan
kahapon, dahil sa pumapasok ang tubig pati sa mga silid aralan doon.
Nabatid na nitong nakalipas na taon lamang nila ito
naramdam, nang simulang isara ang ibang koneksiyon ng kanal at nagkaroon ng
ilang straktura kaya naharangan ang lagusan malapit sa nasabing paaralan.
May pagkakataon din umanong kahit walang ulan ay may
pumapasok parin tubig na tila sumasabay ito sa high tide.
Ngunit hindi lamang ang tubig mula sa kanal ang suliranin
nila, sapagkat may dala pa minsan itong masamang amoy.
Kaya kaunting ulan ay tila alam na umano ng mga estudyante doon
na wala na silang pasok.
Samantala, bota naman dalas ang baon ng mga guro sa pagpasok
sa paaralan doon.
Ramdam na kasi di umano nila ang hirap sa paglusong sa tubig
maliban pa sa maya’t maya ay paglilinis na ginagawa nila, pero kinaumagahan ay
tubig baha sa silid aralan ang nadadatnan nila.
Kaya madalas umanong ang una at ikalawang asignatura ay
sinasakripisyo na sa paglilinis lang.
Minsan na rin umano itong nabisita ng Barangay at ng mismong
ipinadalang representante ng tanggapan ng Pangulo, subalit hanggang sa ngayon
ay hindi pa nila alam kung ano ang tunay na estado inaasahang nilang tulong.
Samantala, di hamak na istorbo naman umano ito sa klase ng
mga mag-aaral, kaya shifting ang ginagawa nila sa iskedyul ng klase upang
ma-accommodate ang lahat ng estudyante.
No comments:
Post a Comment