Kaya nito isinusulong sa konseho ang pagpasa ng resolusyon
na nagpapakita ng kanilang interest na magkaroon na ng annex o extension ang
University of the Philippines (UP) sa isla.
Layunin umano nito ay upang patuloy na magkaroon ng kalidad
ang edukasyon ng mga estudyante sa Boracay.
Sa kaniyang paliwanag sa kapwa nito konsehal sa nagdaang session,
sinabi nitong kampante siya na magiging positibo ang panukalang ito.
Ito ay dahil minsan na rin umano nitong nakausap ang isa sa
mataas na opisyal ng nasabing institusyon at nagpahayag din ng kanilang
pagsang-ayon sa katulad na adhikain ng konsehal.
Bunsod nito, ang resolusyon na hinihingi ni Gelito ay sinimulan
na nitong ipasama sa agenda ng SB Malay para sa kaukulang deliberasyon.
No comments:
Post a Comment