Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Minamadali na, ayon kay Engr. Elizer Casidsid, Municipal
Engineer ng Malay, ang ginagawang widening sa kalsada mula sa National High Way
papuntang Tabon Port.
Katunayan aniya, inaasahang matatapos na ito sa susunod na
linggo.
Kung nagtagal man bago matapos, ito ay dahil sa nahirapan
sila sa pakikipag-usap sa may-ari ng mga lupaing dadaanan ng widening.
Kaugnay nito, aasahan din aniyang na sa kabilang bahagi
lamang ng kalsada ang pwede malaparan sapagkat ang kabilang bahagi ay hindi
pinayagang ng may-ari na masakop ang ilang pribadong lupain ng widening na
gagawin.
Pero upang masolusyunan ang masikip na daan sa lugar na ito,
aayusin na lamang nila ang gutter ng kalsada upang hindi mahirapan ang mga
sasakyang dumadaan, dahil sa makitid ito.
Subalit ayon kay Casidsid hindi naman masasabing widening
talaga ang gagawin nila, kundi konstraksiyon lamang, at hindi pa kasama ang road
proteksiyon sa kabila ng pag-amin nito na may ilang bahagi ng daan ay may
pagkakataong apektado ng land slide.
Ang pahayag na ito ay taliwas naman ito sa inaakala at
obserbasyon na isinatinig sa konseho ni Sangguniang Bayan Member Rowen Agguire na
mistulang nakita umano nitong walang urgency mula sa departementong dapat
magpatupad ng proyekto.
Hindi pa rin naman umano ito natatapos sa kabilang alam
naman aniya ng mga ito na kapag ganitong panahon ay magiging abala ang Tabon
Port gayong Habagat Season na.
No comments:
Post a Comment