Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Inutil at wala ding ngipin ang laman ng sulat bilang sagot
ng Maritime Industry Authority (MARINA) Regional Office 6 sa resulosyon ng Sangguniang
Panlalawigan ng Aklan.
Ito ay kaugnay sa kahilingang imbestigahan ng ahensiyang ito
ang pangayayari kung saan na stranded ang may dalawang daang pasahero na pawang
mga turista mula sa iba’t ibang bansa at probinsya sa Caticlan Jetty Port. Patawid
sana ng Boracay noong nagdaang ika-25 hanggang ika-26 ng Disyembre ng taon 2011.
Ayon kay Odon Bandiola, kalihim ng SP, nagpahayag ng
pagkadismaya sa buong Sangguian sa nilalaman ng sulat na natanggap nila mula
kay MARINA Regional Director Mary Ann Armi Z. Arcilla.
Ito ay dahil hindi nakontento ang SP sa pamumuno ni Vice
Governor Garbrille Calizo-Quimpo sa aksiyon ng MARINA, na tila hindi manlang umano
gumawa ng hakbang para mag-imbestiga gaya ng inaasahan nila.
Sa halip, ang tugon lamang na nakalatag sa nilalaman ng
sulat ay siyang mga salaysay din nila ng ipatawag ito sa SP upang
pagpaliwanagin kaugnay sa operasyong ng Fast Craft na Montenegro sa Caticlan
papuntang Boracay vice versa.
Kaya tila wala din umano ito silbi dahil wala namang
aksiyong ginawa ang MARINA.
Maliban dito, may mga pahayag din doon na taliwas naman sa
sinabi ng Coast Guard Caticlan, na maganda naman ang panahaon sa oras na iyon.
Subalit sa paliwanag ng MARINA, hindi nakapag-night
navigation ang Fast Craft sa pagkakataong iyon dahil sa masama ang kundisyon ng
dagat at panahon.
Kung matatandaan, nadismaya ang pamahalaang probinsiya ng
Aklan sa pagkaka-stranded na ito ng mga turista nitong nagdaang Disyembre,
dahil pangit umano ito sa para sa industriya ng lalo pa at nagmula pa sa ibang
bansa at pagdating sa Jetty Port ay doon pa aabutan ng umaga.
No comments:
Post a Comment