Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Dahil sa inaasahan na ang pagtaas sa bilang ng kasong ng mga
magkakasakit ng Dengue sa Malay at Boracay, ikinasa na ng Municipal Health
Office ng bayang ito ang kanilang kampaniya sa mga paaralan upang malabanan ang
pagdami ng lamok para hindi rin dumami ang bilang ng magkakasakit ng dengue.
Ayon kay Dr. Adrian Salaver, Municipal Health Officer ng Malay,
nasimula na nila ang kampaniyang ito sa mga paaralan sa Boracay at Caticlan.
Katunayan, hindi lamang sa mga eskwelahan ayon kay Salaver, dahil maging sa mga pamamahay ay namimigay umano
sila ng mga Anti Dengue Mosquito Trap sa bawat household na siyang nakiyang
sulosyon ng Department of Science and Technology (DOST) upang mapuksa ang lamok
sa itlog palang.
Ito ay dahil ang Anti Dengue Mosquito Trap na ito aniya ay
mayroon pa sa ngayon sa Health Center sa isla at sa bayan.
Kaya kung maging intresado ang publiko sa bayang ito,
nakahanda naman umano ang lokal na pamahalaan ng Malay upang bumili na
karagdagan pa, gayong mahalaga naman ito.
No comments:
Post a Comment