Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Sa kabila ng kakulangan ng silid aralan sa Balabag
Elementary School at Boracay National High School, desedido parin ang Department
of Education na ituloy ang practice house o Hostel na ito na itinatayo sa compound
ng mga paaralang ito sa Boracay.
Ito ang nilinaw ni Dr. Jesse Gomez, School Division
Superintendent ng Dep. Ed Aklan sa panayam dito.
Aniya bagamat napakahalaga sa ngayon kung madadagdagan ang
silid aralan sa mga paaralang nabangit,
gayon may alokasyon na umanong pondo para sa Practice house na ito.
Itutuloy pa rin umano ito sa kabila ng ginawang pagpapatigil
sa konstransyon ng proyektong ito sa ngayon.
Katunayan aniya ay nakikipag-unayan na rin sila sa Barangay
upang nakausad na ang proyektong ito, sapagkat katulad ng mga silid aralan,
mahalaga din ang practice house na ito dahil sa hindi lamang pang hostel ang
gamit dito kundi ito ay para din sa mga estudyante sa Boracay para sa paglinang
ng kanilang kakayahan.
Maliban dito, malaki umano ang maititipid ng pamahalaan
kapag matapos na ito dahil hindi na kailangan pang magbayad sa hotel ang DepEd
kapag may pumunta na opisyal ng departamento dito kung may mahalagang dadaluhan
sa isla.
Matatangdaang halos isang linggo pa lang nang sinimulan ang
konstraksiyon ng practice na ito sa Balabag Elementary School, ipinatigil ito Barangay
at lokal na pamahalaan ng Malay dahil sa walang sapat na dukomento para sa
konstraksiyon.
At dahil na rin sa pagtutol ng mga magulang ng mag-aaralan,
maging ng mga opsiyal ng Bayan at Barangay gayon din ang may-ari at nabigay ng
lupang tinitirikan ng paaralaan ito.
No comments:
Post a Comment