Ni Malbert Dalida, News Director, YES FM Boracay
Upang matiyak na naaabot ang pamantayang hinihingi ng
Department of Environment and Natural Resources-Environmental Management Bureau
o DENR-EMB, inilunsad kamakailan ng Boracay Island Water Company o BIWC ang
Multipartite Monitoring Team o MMT, kung saan isang memorandum of agreement ang
nilagdaan.
Kasama sa mga lumagda sa nasabing kasunduan ay ang ilang
kinatawan ng gobyerno at pribadong sektor sa Boracay at Malay, katulad ng
Department of Environment and Natural Resources-Environmental Management
Bureau, opisyal ng baranggay Nabaoy at Caticlan, Boracay Foundation
Incorporated, ilang taga LGU at konseho ng Malay, Boracay Chamber of Commerce
and Industry, at Tourism Infrastructure Enterprise Zoning Authority o TIEZA.
Kasama din sa naturang aktibidad ang pagbisita ng mga ito sa
water treatment plant ng BIWC sa Caticlan at Nabaoy River na siyang
pinagmumulan ng tubig na isinusuplay sa Boracay.
Sa nakalipas na dalawang taong paglilingkod sa nasasakupan,
ang BIWC ay nakilala din sa iba’t-ibang proyekto nitong inilunsad sa isla, at
mga aktibidad kaugnay sa pangangalaga ng kalikasan, na isa rin sa pamantayang
hinihingi ng DENR-EMB.
No comments:
Post a Comment