Exempted sa pinapapatupad
na moratorium sa pagpapatayo ng gusali sa Boacay ang istraktura kung ang
ginagawang konstraksiyon ay renovation lamang.
Ito ang
nilinaw ni Malay Municipal Planning Officer Alma Beliherdo sa panayam dito
nitong umaga.
Pero sinabi Beliherdo
na kapag may extension na, o kaya ay pinalaparan at dinagdagan pa ang area ng strakturang
ito ay ibang usapan na aniya at hindi na mapapayagan.
Samantala,
nabatid din mula dito na ang mga establishimiyentio sa isla na nakakuha agad ng
Building Permit bago ang pagpapatupad ng moratorium ay pinahihintulutan naman
ng lokal na pamahalaan ng Malay na makapag-gawa ng kanilang mga gusali.
Kung
matatandaan, nitong a-uno ng Abril sa bisa ng kautusan ni Malay Mayor John Yap
ay ipinatigil na ang pagbibigay o pag-i-issue ng building permit sa Boracay sa mga nag-a-apply
para magtayo ng gusali dito maliban na lamang kung maabot ng mga ito ang
guidelines na nai-set ng LGU.
Ang pahayag
na ito ni Beliherdo ay kasunod ng mga obserbasyon, na kahit pansamantalang
itinigil na ang pagtatayo ng gusali sa Boracay batay sa nakasaad sa moratorium,
pero kapansin-pansin na marami pa ring konstraksiyon ang nangayayari dito sa
isla.
No comments:
Post a Comment