Walang anumang isyu sa likod ng pagkaka-relieve kay Supt.
Julio Gustilo Jr. bilang kauna-unahang Hepe
ng Aklan Provincial Police-Tourist Police Unit simula ng itinatag ang Tourist
Assistance Center sa probinsiyang ito at maging Boracay Tourist Assistance
Center (BTAC), ang himpilan ng Pulis sa isla na dati ay BSTPO, ilang buwan na ang
nakakalipas.
Sa pahayag na ginawa ni Aklan Police Director S/Supt Cornelio
Defensor, promosyon ang rason ng pagkaka-relieve ni Gustilo kung saan kailangan
niyang ma-assign sa ibang lugar para lubusang maging isang Senior Superintendent.
Aniya, na-assign lamang dito si Gustilo dahil sa kailangan
na ang hepeng nakapwesto sa Boracay ay may rangong Superintendent.
Pero dahil sa kailangan umano ng dating hepe ng BSTPO ang
promosyon, kaya kailangan niya rin na ma-relieve dito.
Si Gustilo ay na-assign na ngayon sa Regional Office sa
Civil Aviation Authority sa Iloilo.
No comments:
Post a Comment