Maingat ngayon sa pagbibigay ng impormasyon ng Department of
Labor and Employment (DOLE) Aklan kaugnay sa minimum wage increase ng mga
empleyado dito sa probinsiya.
Sa panayam kay Joey Saigan, Admin Assistant ng DOLE-Aklan,
sa ngayon ay ayaw pa umano nilang magkumento kaugnay sa umento sa sahod kung mayroon man at ilang piso ang dagdag sa suweldo ng mga trabahador sa probinsiya
o maging sa buong rehiyon man.
Sapagkat, ayon dito, wala pa aniya silang pinanghahawakang
papel o dokumento ng wage order mula sa Regional Tripartite Wage Board para sa
implementasyon, gayong ang Board naman umano ang nagdedesisyon kung ilan ang
idadagdag kung mayroon man.
Matatandaang, kasabay ng Labor Day at dahil na rin sa apela
ng mga empleyado at mamababatas sa bansa ay pinahintulutan na ng DOLE na
magtaas ng hanggang P12.00 ang sahod ng mga empleyado.
No comments:
Post a Comment