Bagamat wala nang magarbong programa sa pagsalubong sa
bagong Officer In-Charge ng Aklan Provincial Police-Tourist Police Unit, epektibo
ngayong araw ay uupo na bilang bagong at pansamantalang kapalit ni Supt. Julio
Gustilo na si C/Insp. Gaylor Loyola dito sa Boracay Tourist Assistance Center
(BTAC).
Ito ang kinumpirma ni Aklan Police Director S/Supt. Cornello
Defensor nitong tanghali kung saan pansamantala ay si Loyola muna ang uupos sa
binakanteng puwesto ni Gustilo habang naghihintay pa sng taong ilalagay sa puwestong
ito.
Pero tiwala si Defensor na malaki ang maitutulong ni Loyola
para sa ikakalutas ng ilang mga problema sa security at peace and order sa
Boracay, dahil dati aniya ay na-assign na ito sa Malay bilang hepe kaya alam na
umano nito ang maaring mga solusyon.
Si Loyola bago ma-assign dito sa Boracay ay siyang hepe ng
Public Community Relation (PCR) sa Aklan Police Provincial Office (APPO).
No comments:
Post a Comment