YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, March 26, 2012

Sakit na makukuha mula sa tubig, pinag-usapan sa Sanitary Code ng Malay

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

“Sino ang magde-determina kung ang isang tao ay walang nakakahawang sakit sa balat kapag naliligo ito sa swimming pool at sa baybayin ng Boracay? Sino ang magbabawal sa pag-ihi at pagdura ng mga ito sa tubig?”

Ito ang naibulalas na tanong ni Sangguniang Bayan Member Dante Pagsugiron sa pagpapatuloy sa pagdinig ng konseho para sa pagsasabatas ng Sanitary Code ng Malay.

Bagama’t tila natatawa ang konseho sa nasabing usapin, subalit ayon kay Presiding Officer Ceceron Cawaling, disiplina na ng bawat isang indibidwal ang dapat ipairal sa ganitong isyu.

Ayon naman kay SB Member Rowen Agguire, kung halata namang may sakit sa balat ang isang tao at nakitang naliligo ay bakit pipilitin pang lumusong.

Kung sa bahagi naman ng establishemento at sa swimming pool, nakadepende na aniya sa namamahala at sa alituntuning ipinapatupad ng mga resort/hotel sa isla ang mga nasabing usapin.

No comments:

Post a Comment