YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, March 26, 2012

Biyahe ng mga sasakyang pandagat patawid sa Boracay, 24 oras na

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Tila hindi na mangyayari pa, ang pagka-stranded ng mga pasahero sa Caticlan Jetty Port kapag inabot ng gabi sa pag biyahe.

Sapagka’t ayon kay Lt. Commander Terence Alsosa, Station Commander ng Caticlan Coast Guard, binigyan na ng  Marina ang Fast Craft ng Montenegro Shipping Lines ng Certificate of Public Conveyance o CPC para maaaring makapaglayag sa loob ng bente kuwatro oras.

Maliban dito, ang Oyster Ferry umano ay may CPC na rin katulad ng malalaking bangka ng kooperatiba na Mermaid.

Kaya anumang oras ay may masakyan na ang mga pasahero, kahit pa ang mga bangka ng kooperatiba ay hanggang alas diyes lamang ng gabi.

Magugunitang nitong nagdaang buwan ng Disyembre ay na-stranded sa Caticlan Jetty Port ang halos dalawang daang pasahero lalo na ang mga turistang nagmula pa sa ibang bansa at probinsiya, sa dahilang walang masakyan patawid ng Boracay, kaya doon nalang ang mga ito nagpalipas ng gabi.

Rason naman para hindi ito magustuhan ng pamahalaan probinsiya, sapagkat hindi umano ito kagandahan para sa industriya ng turismo ng Aklan at Boracay.

No comments:

Post a Comment