Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Bagamat hindi tutol sa balak ni Vice Mayor Ceciron Cawaling na humingi ng tulong pinansiyal sa Department of Tourism (DOT), ngunit iminugkahi si SB Member Essel Flores sa konseho na kung maaari ay huwag nang i-asa pa sa DOT ang pagsasa-ayos ng tatlong boat station sa Boracay.
Ito ay sa kadahilanang nakikita nito na dadaan pa sa matagal na proseso ang nasabing resolusyon bago aprubahan ng tourism, gayong tatlong linggo na lang ay Holy Week na.
Maliban dito, hiniling ni Flores na kung pwede lang naman na ang lokal na pamahalaan ng Malay na lang ang bumalikat sa pagsasa-ayos nito, gayong tila kakayanin naman ito kung nanaisin.
Agad namang tinaggap ni Cawaling ang proposisyon ni Flores, pero posible umanong sa susunod na taon pa ito mangyayari.
Gayon paman, inatasan na ni Cawaling ang kalihim ng Konseho na ilagay ito sa record at magkaroon ng koordinasyon sa Engineering Department ng Malay ukol sa usaping ito.
No comments:
Post a Comment