YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, March 26, 2012

Green plate ng multicab ng BLTMPC, kakulangan ng LTO

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Aminado ang Boracay Land Transportation Multi-purpose Cooperative (BLTMPC) na may ilang unit sila ng multicab na green talaga ang plate number, pero bumibiyahe ang mga ito sa Boracay bilang isang pampublikong sasakyan.

Paliwanag ni BLTMPC Chairman Ryan Tubi, ang pag-gamit nila ng green plate ay may basbas na umano mula kay Valtimor Conanan, Aklan Director ng Land Transportation Office (LTO).

Ayon kay Tubi, kung kulay green man na plate number ang gamit ng ilang unit nila, ito ay hindi kasalanan ng kooperatiba kundi pagkukulang sa bahagi ng LTO, sapagka’t wala umanong available na plaka sa nasabing tanggapan kaya pinahintulutan nalang ng LTO na gamitin ito.

Pero paglilinaw ng Chairman na kumpleto sa dokumento bilang pampublikong sasakyan ang mga multicab ng kooperatiba, at plaka lamang ang kulang.

Ang green o berdeng plaka sa mga sasakyan ay para sa pribadong gamit lamang, samantalang ang dilaw ay para naman sa pampublikong sasakyan. 

1 comment:

  1. Okay ra na basta naa basbas sa LTO/LTFRB ang mga green plated PUJ na Multicab basta temporaryo lang kini.

    ReplyDelete