YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, March 26, 2012

Mga e-trike sa Boracay, kolorum! --- BLTMPC drivers

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Kolorum maituturing ng mga tricycle driver sa Boracay ang 10 e-trike na pang-test drive sa isla.

Ito ang inamin ni Sangguniang Bayan SB Member Dante Pagsugiron.

Sinabi nito na nagsusumbong minsan sa kaniya ang mga driver ng E-trike dahil sinisigawan sila ng mga driver ng tradisyunal na tricycle na kolorum umano.

Pero paliwanag nito may Permit to Transport at Permit to Operate ang mga unit na ito.

Bunsod nito, bagamat may mga negatibong komento umano silang natatanggap, hindi na nito pinapatulan pa kahit may selosang nangyayari.

Kaugnay nito, umapela ang konsehal sa mga driver sa Boracay ng pag-unawa at huwag naman sanang pag-isipan ng masama ang mga bagong unit na ito ng sasakyan.

Ito ay dahil para naman umano ito sa pagpreserba ng isla at mabigyang sulosyon ang matagal nang problema sa pulosyon sa hangin at ingay.

Kung maaari din umano ay suportahan na lang ang e-trike dahil maaaring maging solusyon din ito sa patuloy na pagtaas sa presyo ng gasolina.

Samantala, sa kabila ng mga negatibong komentong laban sa e-trike dito, ibinunyag ni Pagsugiron na naging maganda naman ang pagtanggap ng ilang sector katulad ng mga stakeholder, at commuter.

Pero naniwala si Pagsugiron na hindi naman lahat ng mga driver dito ay may katulad na iniisip sa iba, na naninigaw pa.

No comments:

Post a Comment